Post by LJ on May 7, 2006 12:11:24 GMT -5
Gerald Santos tinalo si Aicelle sa Pinoy Pop Grand Showdown
CUT!
by : Noel Asiñas
BAGO pa man gawin ang grand showdown ng Pinoy Pop Superstar year 2 sa Araneta Coliseum, nasabi na sa amin ni Ms. Jeanne Velario Vicars, voice coach ni Miguel Aguila, ang batang lumabas na Argo sa Majika, na isa ring classical at pop singer, na bet niya si Gerald Santos para manalo sa finals.
Ani Ms. Vicars: “Ang laki ng improvement niya buhat nang nanalo siya ng four weeks sa PPS. Hindi na nawawala ang tono niya. Kasi, bata pa siya nagsimula noon. Nagma-mature ang boses niya pati ang kanyang style. Hanga ako sa talent niya.
Gayon din ang impression ng rival ni Gerald na si Aicelle Santos. Nasabi nito sa isang interview na pinakamahigpit niyang kalaban ay si Gerald. Magaling nga raw kasi.
Labis nga kaming pinahanga ni Gerald sa finals night last Saturday sa Araneta Coliseum. Na-interpret niya nang mahusay ang tatlong kanta niya nang gabing iyon.
Kahit English o Tagalog song ay magaling siya.
Nanalo ng cash na P1 million, sasakyan at condo unit si Gerald bukod pa sa exclusive contracts niya sa GMA Records at GMA-7.
People's Taliba
5/8/2006 15:44 PM
Maraming damit at aso ang ilan sa mga bibilhin ni Gerald Santos sa napanalunan niyang P1 million for being the new Pinoy Pop Superstar Grand Champion. Ang iba’y, pang-tuition niya sa college ‘pag nag-enroll siya ng Conservatory of Music.
Sa grand showdown na ginawa last Saturday sa Araneta Coliseum, tinalo ng 15-year-old si Aicelle Santos na kasama niyang pumasok sa Final 2. Nagpapanalo sa kanya ang mga kantang Kahit Isang Saglit, Hanggang at Close To Where You Are. Advanced birthday gift kay Gerald ang pananalo dahil birthday niya sa May 15 at 16 years old na siya at milyonaryo!
“Kulang ako sa gamit at damit dahil naubos ang budget namin sa flyers, leaflets, posters at tarpaulin sa roadshow namin. May konti ring celebration sa birthday ko. Hindi ko ini-expect ito, nag-enjoy lang ako,” pahayag nito.
Hihilingin ni Gerald na malapit sa Quezon City ang bahay from Futura Classic na napanalunan dahil nasa Dasmariñas, Cavite ito. Gagamitin daw niya agad ang Chevrolet Optra at excited na sa plano sa kanya ng GMA Network at GMA Records.
Pinasasalamatan nito ang fans na sumuporta sa kanya. Nagulat ito sa rami nang dumating sa Big Dome with matching banners and posters. Sa tanong kung tatagal siya sa showbiz, ang sagot ni Gerald ay: “Kaya kong magtagal at sa age ko, kaya kong humabol.
* * *
Sidelights:
All smiles pa rin ang kasama ni Gerald sa Top 4 na sina Aicelle, Harry Santos at Denver Regencia kahit ‘di sila nanalo.
Umiyak si Irra Cenina nang hindi siya pumasok sa Top 4. Inamin nitong marami siyang mali at may nakalimutang lines sa If I Could, pero gaya ni Elise Estrada, maluwag sa loob nitong tinanggap ang pagkatalo.
Tanggap din sana ni Rosemarie Tan ang ‘di pagpasok sa Top 4, pero hindi ang kanyang ama. After i-announce na ‘di siya ka-join, agad niyaya ang anak na umalis ng Big Dome at sabay silang nag-walkout. Kaya wala ang dalaga sa production number ng contenders ng kantang Magsimula Ka. Deadma ang ama nito sa pakiusap na “Dad, we still have a production number” at ang sagot ay “No, we’ll go home.” Hindi raw first time nangyari ‘yun dahil sa mall tour, ‘pag nadedehado ang anak, ang ama ang napipikon.
Hindi man nanalo si Aicelle, sa three special awards, dalawa ang napanalunan niya. Ito’y ang Pinoy Pop Roadshow Superstar at Pinoy Pop Best Album Performer. Si Gerald ang nanalo sa Pinoy Pop Viewers Favorite.