Post by LJ on Mar 31, 2006 11:50:10 GMT -5
Ang Pilipino STAR Ngayon 04/01/2006
Sino sa apat na sangre ng Encantadia na sina Iza Calzado, Diana Zubiri, Sunshine Dizon at Karylle ang muntik nang patayin ang role bilang diwata dahil nairita raw ang top executive ng GMA 7 sa ugali ng tumatayong manager nito?
Kwento sa amin, "Ito ‘yung eksenang pagbabalik ng Encantandia, isa sa sangre, ipinagpa-alam ng manager niya na kung pwedeng i-pack-up ng maaga kasi may event na pupuntahan at para makapagpahinga at makapagpaayos na rin.
"Pumayag naman ‘yung EP ng Encantadia pero ang kundisyong ibinigay ay mababawasan ng exposure ang alaga niya kasi nga aalis ng maaga sa taping na umokey naman ‘yung manager kasi importante ‘yung event.
"E, excited ‘tong si sangre sa eksenang kinukunan, nagdesisyon siya na tapusin na lang lahat ng eksena niya at saka siya aalis sa set. Nagalit ‘yung manager kasi feeling niya, hindi siya sinunod ng staff namin, kaya tumalak-talak sa EP.
"Nagalit ‘yung isang bossing namin, nagsumbong sa top executive at nagalit ito at sinabing, "Sige patayin na ang role niya, tutal telefantasya tayo, pwedeng palabasing pinatay na siya, tutal siya naman ang pinaka-mahina among the sangre, wala siyang fans.
"Naloka ‘tong si sangre nu’ng malamang papatayin siya, nakiusap sa bossing at umiyak pa, huwag daw siyang tsugihin kasi love niya ‘yung show."
At ngayon nga raw ay hindi na nakikialam ang manager ng sangreng binabanggit namin dahil pinagbawalan niya.
Oo nga naman, malaking kawalan sa sangreng binabanggit namin kung mawala siya sa Encantadia dahil unang-una, maski na kaliwa’t kanan ang show niya ay hindi pa rin siya umaangat, di tulad ng tatlong kasamahan niyang sangre na sangkaterba ang fans.
* * *
Nasulat namin dito sa PSN na tsutsugihin na ang programang Laugh-to-Laugh sa QTV 11 maski na mataas ang ratings nito.
Ang katwirang ibinigay sa amin before ay dahil walang moral values ang show at maski na gaano kataas ang ratings nito ay hindi naman pinapasok ng ads.
Muli palang ini-extend ang Laugh-to-Laugh for the 2nd season, pero major reformat ang ginawa as in pinalitan lahat ng staff ng show mula executive producer pababa, kaya ngayon, may ibang staff na ang nabanggit na gag show.
Dagdag pa na tila nanganganib din daw ang Jabboom Twins dahil baka palitan sila ng Starstruck Batch 3 Avengers na wala pang mga regular show.
* * *
And speaking of QTV 11 ay hindi na si 2005 Miss International Precious Lara Quigaman ang co-host ni JayR sa bagong programang Ultimate Celebrity Dance Show na mag-uumpisa after the Holy Week vacation.
Ang ibinigay na katwiran sa amin ay, "Ang laki ng hinihinging talent fee, mas malaki pa sa cost ng production ng buong show, ano siya sinuswerte? Kaya hindi na siya kinuha dahil baka imbes na kumita ‘yung show, e, sa kanya na lang mapunta lahat." Tutal ang concept naman ng show ay every week ay iba-iba ang co-host ni JayR. "Hindi kasi puwedeng hindi ituloy ang show dahil may kontrata sa QTV 11 si JayR," dagdag pa sa amin. — Reggee Bonoan