|
Post by LJ on Mar 31, 2006 11:28:52 GMT -5
NEW YORK - Inaresto kahapon ang supermodel na si Naomi Campbell sa kanyang tahanan sa Park Avenue matapos umano nitong batuhin ng cellphone ang kanyang katulong. Gayunman, pinalaya rin ito kahit hindi naglagak ng piyansa. Si Campbell, na nahaharap sa kasong second degree assault dahil sa pamamato ng cell sa kanyang katulong na si Ana Scolavino ay posibleng maharap sa pitong taon ng pagkakabilanggo. Nasugatan sa likod ng ulo ang nasabing katulong dulot ng pamamato. Sa pahayag naman ng kampo ng modelo, gumaganti lamang ang katulong sa kanilang kliyente matapos umano itong matanggal sa kanyang trabaho. "We believe this is a case of retaliation, because Naomi had fired her housekeeper earlier this morning. We are confident the courts will see it the same way," wika ni Amanda Silverman, agent ni Campbell. Hiniling ng mga prosecutor kay Judge Richard Weinberg ang $3,500 piyansa laban kay Campbell subalit pinalaya rin ito kahit 'di nagpipiyansa dahil hindi naman umano ito tatakas bunsod ng pagiging pinaka-kilalang modelo sa buong mundo.
|
|
|
Post by ninic on Apr 4, 2006 7:37:56 GMT -5
ndi ko xa kilala!!!
|
|
|
Post by LJ on Apr 4, 2006 12:39:47 GMT -5
yung may ari nung mushroom soup... bwahaha..
|
|
|
Post by ninic on Apr 8, 2006 0:50:59 GMT -5
talaga!!!!
|
|
|
Post by wowposter on Nov 10, 2008 21:04:02 GMT -5
|
|